Ibong Adarna : 3 Ang Panaginip ng Hari

Isang gabi ay nanaginip si Haring Fernando na diumano'y si Don Juan ay pinatay. Pinatay ito ng dalawang taksil at inihulog sa balong malalim.

Dahil sa panaginip ay nalungkot ang Hari. Nangayayat at naratay ito, nalalapit na ang kanyang mga huling sandali. Dahil sa kanyang sakit ay nagpatawag ng mga mediko ang kaharian ngunit walang makahula ng sakit ng hari.

Sa awa ng Diyos ay may isang manggagamot na nakaalam ng sakit ng Hari. Ang tanging lunas daw lamang sa sakit ng Hari ay ang awit ng isang ibon. Ang ibong iyon ay ang Adarna na matatagpuan sa Piedras Platas sa bundok ng Tabor.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ibong Adarna : 2 Si Haring Fernando