Ibong Adarna : 2 Si Haring Fernando

Noong unang panahon, sa kaharian ng Berbanya ay mayroong Haring hinahangaan. Dahil sa kanyang pamamahala ay naging payapa at masagana ang kaharian. Ang pangalan ay Haring Fernando na tinitingala ng lahat.

Kabiyak ng kanyang puso ay si Reyna Valeriana. Sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan ang bunga ng kanilang pagsasama.

Minsang nawala sa paningin ng Hari ang tatlong Prinsipe. Dahil sa pangyayaring iyon ay pinag-aral niya ang tatlo. Sinanay din sila gumamit ng espada't patalim.

Napanatag ang kalooban ng Hari dahil natupad na lahat ng kanyang hinahangad sa mga Prinsipe.

Comments

Popular posts from this blog

Ibong Adarna : 3 Ang Panaginip ng Hari