Posts

Showing posts from March, 2018

Ibong Adarna : 3 Ang Panaginip ng Hari

Isang gabi ay nanaginip si Haring Fernando na diumano'y si Don Juan ay pinatay. Pinatay ito ng dalawang taksil at inihulog sa balong malalim. Dahil sa panaginip ay nalungkot ang Hari. Nangayayat at naratay ito, nalalapit na ang kanyang mga huling sandali. Dahil sa kanyang sakit ay nagpatawag ng mga mediko ang kaharian ngunit walang makahula ng sakit ng hari. Sa awa ng Diyos ay may isang manggagamot na nakaalam ng sakit ng Hari. Ang tanging lunas daw lamang sa sakit ng Hari ay ang awit ng isang ibon. Ang ibong iyon ay ang Adarna na matatagpuan sa Piedras Platas sa bundok ng Tabor.

Ibong Adarna : 2 Si Haring Fernando

Noong unang panahon, sa kaharian ng Berbanya ay mayroong Haring hinahangaan. Dahil sa kanyang pamamahala ay naging payapa at masagana ang kaharian. Ang pangalan ay Haring Fernando na tinitingala ng lahat. Kabiyak ng kanyang puso ay si Reyna Valeriana. Sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan ang bunga ng kanilang pagsasama. Minsang nawala sa paningin ng Hari ang tatlong Prinsipe. Dahil sa pangyayaring iyon ay pinag-aral niya ang tatlo. Sinanay din sila gumamit ng espada't patalim. Napanatag ang kalooban ng Hari dahil natupad na lahat ng kanyang hinahangad sa mga Prinsipe.